Isang Gabing Nakapiling Kang Muli

Nakita kita ulit kagabi.

Naka-puti kang polo. Nagkalaman ka na din.

Nakangiti ka sa akin. Maya-maya, hinalikan mo ako at hinapit palapit sa’yo.

Magulo ang eksena. Bigla na lang, naglalakad na daw tayo.

Sinabihan mo ako na tumataba ako. Naghabulan tayo na parang batang nagaasaran.

Tumunog ang celfone ko. Alas-siyete na pala.

Pero ayoko pang tumayo. Gusto ko pang damhin ang pagkikita natin muli.

Pumikit ulit ako. Maya-maya lang, para na naman akong dinuyan palayo sa realidad.

Nagpakita ka muli. Nakaputi ka pa ring polo.

Nakaupo na daw tayo nang magkatabi. Nagbabasa ka ng libro.

Tinitigan lang kita nang matagal. Maya-maya, niyakap kita ng mahigpit na mahigpit.

“Miss na miss na kita!”

Yan lang ang tangi kong nasabi.

Hanggang sa muli ka na namang nawala sa paningin ko.

At ako’y naiwan na namang umaasa na makita kang muli.

 

***peppermint 09262009***

Note: repost from my Blogger site (september 2009)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s