My Random Thoughts While Watching MAN OF STEEL

Okay, so these are just some crazy, spur-of-the-moment thoughts I had while watching Man of Steel and munching on free cheese popcorn na kasama sa movie ticket na binayaran mo kapag sa Lucky Chinatown Mall cinema ka nanood:

1. I wonder why palagi na lang USA ang unang nakakaalam kapag may alien or end of the world effect at palaging sila ang bida? Bida bida lang? Hindi ba pwedeng sa Asia naman maipatapon ang susunod na Superhero? Or better yet, sa Pilipinas naman ang next na landing ni Clark Kent?

2. On second thought, baka nga naman hindi kayanin ng Pilipinas ang pangwasak na fighting scenes nila Superman at ni General Zod at baka matagalan bago maka-move on ang Pilipinas sa total damage cost ng fighting scenes na yan, so mabuti na ngang sa US na lang silang dalawa.

3. Bakit palaging hindi nasisira ang mga sementeryo sa movies nila? At take note, parang walang nangyaring delubyo sa sobrang peaceful ng itsura ng sementeryo nila!

4. Paano nakarating agad si Lois Lane dun sa final venue ng ligwakan ni Superman at ni General Zod? Hindi makapagantay si teh si moment nila ni kuya kaya agad-agad nasa scene na bigla?

5. Tanong ng badet ko na pinsan: bakit laging babae dapat ang kapartner ng mga super hero na lalaki? Hindi ba pedeng bading naman sa next? May discrimination!

6. Mahilig magsampay ng telang pula ang foster mommy ni Clark Kent kaya ayun, nainspire si kuya na gawing cape ang mga telang pula ni mamah!

7. Hindi pala ako pedeng maging girlfriend ni Superman. Mahina ako sa instructions.

8. Hindi ko talaga sya pedeng maging boyfriend dahil takot ako sa heights. Hindi ko keri ang makipag sweet-sweet-an sa kanya sa himpapawid. At baka pag may fight scenes na at ako’y mahuhulog sa helicopter, hindi pa man ako lumalagpak sa lupa, tegi na ako dahil inatake na ako sa puso sa ere pa lang.

Yun lang naman. Ito’y mga walang kwentang tanong at kuro-kuro lang naman habang pinapanood ko ang Man of Steel at napapabalikwas ako sa mga effect na fight scenes nila. Sadyang ganyan lang ako–madaldal ang utak. In all fairness, naaliw ako sa kanya 🙂 Salamat sa libre! 😀

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s