Usapang Bata # 68-69

Isang super busy na araw sa school, ang mga bagets feeling foundation day lang. Super hyper sa paglalaro. At syempre, may isang namumukod tanging leader sa group–none other than the second youngest child in the class, Janel. Feeling ni Janel, hindi lang Foundation Day, Teacher’s Day pa na tipong kailangan ng student mentors. Lahat ng ways ng teachers, gayang-gaya nya:

Teacher A. : Okay kids, pack away na!

Janel: Everyone, pack away na!

Teacher L.: Janel, kasama ka sa magppack-away ha hindi lang classmates mo ha.

 

2nd Scene

While playing ball catching, natamaan ni Yohann ang ball na hawak ni Janel:

Janel: Ay Yohann, that’s bad ha. Come here.

(At dinala ni Janel si Yohann sa “face the wall” corner)

Teacher A: Janel, no ha. Si teacher lang ang magpapa-face the wall ha. Come here Yohann.

Janel: (habang hawak-hawak si Yohann papunta kay teacher) Oh di ba Yohann si teacher lang apapa-face the wall, akikinig ka lang sa kin ha.

 

Asus! Pambihira talaga ang leadership ni Janel!

 

 

Advertisements

Usapang Bata 2012 (#53 to 67)

Usapang Bata # 53:

Pepey: Umulan sana ng pera! Ngayon na! Kahit coins lang!

Usapang Bata #54:

Habang umiinom ng Coffee jelly sa Starbucks at inaasar namin kasi malapit na sya umuwi sa Aklan dahil pasukan na ulit, eto ang sagot ng 5-year-old na si Wacky:

Wacky: Dito naman ako mag-Christmas sa Manila

Me: weh? Sino naman magsasama sa’yo dito? Hindi ka papayagan ng Daddy mo kse wala kang pamasahe papunta dito.

Wacky: Susulatan ko na lang si Santa. Sasabihin ko sa kanya, dear Santa penge naman akong ticket papunta ng Manila. Thank you.

Usapang Bata #55

Inokray na naman ni Pepey si JM:

Pepey: Excited maybirthday yang si JM eh kse kakain daw sya ng Magnum.

Usapang Bata #56

At hindi lang si JM, pati si Chloe inokray din ni Pepey:

Pepey: Bakit hindi ka kaya mag full bangs?

Chloe: Ayoko nga!

pepey: Ganda-gandahan!

Usapang Bata # 57

*blast from the past*

Dylan: Oh you put your shirt on your mouth teacher1

Me: Why?

Dylan: You might smell some yucky

(and I did because Dylan was making poo-poo that time!)

Usapang Bata # 58

*blast from the past*

Teacher Che: Darren do you have pets at home?

Darren: Yes!

T.Che: What?

Darren: A giraffe!

(Wow ha!)

Usapang Bata # 59

pepey: Tita Josie pag nag-asawa ka, ako ninang mo ha!

(taray ni teh, nagvvolunteer agad mag-ninang sa kasal!)

Usapang Bata # 60

Habang naglalaro si pepey at Simonne, biglang umiyak si Pepey:

Me: oh bakit ka umiyak?

Pepey: Eh kasi gusto nya ng tagu-taguan eh ayoko na nga nun eh.

Me: Bakit ayaw mo nun?

Pepey: Eh palagi naman akong taya eh!

Usapang Bata #61

*blast from the past*

Seth: teacher, nag-change na ako ng alaga eh.

Me: Why?

Seth: Ang kulit kasi ni Darren eh.

Me: Sino na lang alaga mo?

Seth: Si Eldrich na lang.

(Choosy!)

Usapang Bata # 62

*blast from the past*

Teacher Che: Bakit madami kang kagat ng lamok?

Katie: Kasi madaming lamok sa Sampaloc eh1

(in fairness, rhyming!)

Usapang Bata #63

Mama: Wag ka kasing inom ng inom ng Milo eh kasi nakakaitim yun.

Pepey: Eh bakit may nagtitinda pa ng Milo kung nakakaitim yun?

(Oo nga naman! May point ka dyan teh!)

Usapang Bata # 64

Pepey: Ate nagugutom na ako!

Me: Gusto mo Bibingka?

Pepey: Eh gusto ko kanin eh.

Me: Anong ulam mo?

Pepey: Kahit tocino kahit ano cge kakain pa din ako!

(demanding! )

Usapang Bata # 65

Chloe (habang naglalakad papunta sa CR para maligo: I will give anything for crispy fried chicken!

(mula sa batang walang patumangga ang pagka-adik sa fried chicken!)

Usapang Bata # 66

Habang nagdedebate tungkol sa presyo ng rubber shoes ni JM:

Simonne: Magkano nga bili mo dyan?

JM: Hindi ko nga alam kay Papa.

Chloe: 200 lang yan eh!

JM: Weh? Sino nagsbe sa’yo?

Chloe: Basta alam ko!

Jm: Oh cge na! Eh ang mahal nung sa inyo eh!

(ayan! nagtaray na si madam!)

Usapang Bata # 67

Moises: JM, regalo mo na lang sa kin sa birthday ko yung bala nito

Simonne: Ako din JM ganun na lang regalo mo sa kin sa birthday ko.

Me: Ay ang taray! Nagdedemand ng regalo kay JM? May trabaho na si JM? Bisyo nyo ah!

Moises, Chloe, Simonne, and JM

Pepey

Wacky

Usapang Bata # 52

(Na-ikwento lang din)

Habang nakikinig ng balita kung may pasok o wala:

Announcer sa radyo: Wala pong pasok ang elementary at highschool sa metro manila ngayong araw na ‘to.

Si Pepey, gulat na napatingin sa Tatay niya.

Pepey: (bubble thought) May pasok ako?

Kasi naman mamang announcer, isama mo din ang preschool sa announcement mo para hindi naguguluhan si Pepey. Akalain mo yun, elementary at highschool walang pasok pero preschool meron?!

Usapang Bata # 50-51

Still inside Escuela Legarda:

Usapang Bata # 50

The bully teacher in me strikes again:

Me: Gianna, bakit hindi ka pumasok kahapon?
(although suspended naman talaga ang class the day before, but I was just trying to jest her)
Gianna: Kasi wala yung dila ko.
Me: Ha? San nman nagpunta yung dila mo?
Gianna: Sa Mercury.
Me: Anong ginawa nya sa Mercury?
Gianna: Bumili siya ng battery kasi wala na siyang battery., Look oh! (and showed me her tongue)

This little girl never fails to amaze me whenever she talks:-)

Gianna:-)

Usapang Bata # 51

I made a survey among my boys in school:

Me: Joaqui, is my nail polish pretty?
Joaqui: Yes
Me: Do you like it?
Joaqui: No! (and ran away)

Joaqui the Funny boy:-)

Me: Dylan, is my nail polish pretty?
Dylan: Yes
Me: Do you like it?
Dylan: No!
Me: but why?
Dylan: Because I’m a boy and boys don’t have nail polish.

VERY GOOD! Their parents could now relax:-) These boys are indeed ‘barakos.’ 🙂

Usapang Bata # 47-49

I’ll let you in on what’s happening on a usual day inside Escuela Legarda:

Usapang Bata # 47

While working with Dylan:

Me: Dylan, you write properly, please.
Dylan: Okay! Okay!

*but he was still too lazy to write properly

Me: Dylan, please!

*I covered my face with my hands so Dylan thought I was crying*

Dylan: Oh no! Sorry Teacher Apple. Okay I will write now. (in a Harry potter tone)

Dylan the sweetest boy:-)

Usapang Bata # 48

Dylan brought his Thomas Train coloring book in school. Since all kids love anything new, they were like bees buzzing around Dylan the flower. After a while, they already stopped since the teachers asked them to. But one kid was so persistent and just pretended to leave Dylan behind, but actually, he was just a few baby steps away from Dylan:

Me: Dylan, you want to color your Thomas?
Dylan: Oh yes sure Teacher Apple
Seth: (his most awaited time) Okay! I’ll help him!

Ay sandali? Tinawag kita Seth? 🙂

Seth-y boy:-)

Usapang Bata # 49

I was absent for three days in school due to fever. When i came back, it was as if the kids didn’t see me for a year that they were so happy to see me again:

Jazz: Di ba Teacher Apple kaya ka nag-sick kasi si Nigel cry ng cry sa school?
Me: Ha?
Jazz to Nigel: Wag ka na kasi mag-cry para hindi na mag-sick si Teacher Apple

Nigel:-)

Jazz the Boy Wonder:-)

Usapang Bata # 44-46

Usapang Bata # 44

Habang naglalakad sa Cubao at medyo makulimlim ang panahon:

Pepey: Sana umulan ng pera!

Usapang Bata # 45

Pagkatapos kumain sa isang resto sa Cubao:

Me: Uwi na tayo.
Pepey: (matagal na tumingin sa akin…) Atagal pa apunta natin dito.

Ay! Nahiya naman ako sa’yo Pepey, napagod ka pa:-)

Usapang Bata # 46

(Na-ikwento lang) Habang sinasaway ng mommy ni Frankie si Frankie:

Ate Irene: Hay ang hirap talagang alagaan nitong batang ‘to!
Pepey: (makasabat lang) Mahirap talagang alagaan yang ganyang edad.

Ay? Na-experience mo na? Pambihira!

Pepey and Frankie:-)

Usapang Bata # 43

Habang nakapila sa bilihan ng LRT ticket si Shyn at inaantay namin siya nila Chloe:

Chloe: Gusto kong sumakay ng eroplano para makakita ako ng stewardess. Gusto ko kasing maging stewardess eh.
Me: Akala ko ba gusto mo nang maging teacher na lang?
Chloe: ‘Pag walang pasok sa eroplano, teacher naman ako.

Wow! Workaholic si beh!

Si Chloe, ang batang curacha!